Lunes, Marso 21, 2011

talambuhay ni nicole etcubanas

       Ako si Nicole Etcubanas pinanganak ako noong june 13 1994.Nakatira ako sa barangay san juan san pablo city.Ang aking magulang sina Estilita Etcubanas at si ador belen.Ang aking ina taga pagbilao quezon at ang aking ay taga san juan san pablo city laguna.Ang trabaho nd aking ina ay sa kanteen taga luto ng mga kakanin at aking ama ay natratrabaho sa wawa.May kapatid ako pa ko babae.Binigyagan ako noon april 21 sa simbahan ng del remedio ang ninang ko si tita vin at ang ninong ko si boyet belen sila lan naman ang kinuha ni mama biglaan kase ang pabinyag samen ng aking kapatid ko

       Nooong ako isang taon gulang ay nagkaroon ako ng kapatid na babae ang pangalan nya si sally.Sabi nila ang ganda ko daw yon baby pa ko kasi maputi ako kay sa kapatid nko hindi ko daw kamuka si mama ko pati si papa ang nakuha ko lang kay mama ay mata pati ilong pero may biloy ako si mama wala sa pisnge nilagyan ako ng lola ko.ang nagaalaga samen ang lola ko magkapakit pagwala sina mama.Noong akoy tatlong taon gulang ay nagaaaway ang mga magulang ko kapag dumadating si mama na madungis keme na hind pa kame kumakain kasi ang mga pagkain ay nasa bahay nina lola.Si tatay ang nagpapaligo samen magkapatid

         Noong ako ay mag aanim na taong gulang ay pinag-enrol ako ng aking mama ng kinder, sa Day Care Center sa Wawa ako pinapasok para maasikaso ako, doon kasi sila nagtatrabaho ni tatay sa bahay. pero hindi niya ako pinapaliguan, ako na ang naliligo ng sarili ko at sya na lang ang nagbibihis sa akin. kapag sasakay na kami ng jeep, laging naka bitin ang tatay ko at ako naman ay nakaupo sa jeep. hinahatid ako nina mama sa school at iniiwanan na ako doon, hindi niya ako binbantayan kagaya ng ibang ina na binabantayan pa ang kanilang mga anak hanggang sa pag awas, pero okay lang hindi naman ako umiiiyak. Kkapag break time na, nikikipag laro na agad ako pero hindi naman ako nagdudumi kasi papagalitan ako. pagkatapos ng klase, deretso na ako sa pinagtatrabahuhan nina mama at doon na ako magmimiryenda. sinasanay nila ako na walang bantay sa school at walang kakaon sa pag-awas na ako sa bahay kasi walang kasama ang kapatid ko at ipagluluto muna kami bago umalis ng bahay.

        Noong ako ay nasa school ay pumarada kami sa Wawa kasi nutrition day noon. may dala akong gulay at mga prutas at may drawing pa yung mga damit namin ng prutas at gulay at sa may saklob ay mayroong naka-sabit na sitaw. inikot namin ang buong del remedio. ang init kaya naka-simangot ako. sabi ng teacher ko, magaling daw ako mag-drawing at maganda daw akong mag-sulat. tahimik ako sa klase, hindi kagaya ng iba na malikot sa room ang ingay pa. kapag ginugulo ako ay dinuduraan ko, dinuduraan din ako kaya inaaway ko. ako naman ang umiiyak para hindi mapagalitan diba. pag-uwi ko sa bahay, kapatid ko lang ang nasa bahay, nanonood ng tv, naglalaro mag-isa. tapos mga hating-gabi na uuwi sina tatay kasi nag-overtime sa trabaho.

      Noong malapit na ang graduation ay nagpapractice kami sa simbahan, doon kasi mayroong stage. ang graduation namin ay noong March 18, 2001. sa one stop ginanap ang graduation namin, malapit sa lake at katabi ng kapitolyo. may sabit ako noon kahit papaano. pagkatapos ng graduation ay dumeretso na kami sa pinagtatrabahuhan ni mama, doon ako kumain kasi doon naghanda si mama kasi sabi ng amo ni mama hapon ay doon na daw maghanda para hindi na pupunta yung mga katrabaho ni tatay kasi overtime daw kaya doon na lang, pati naandoon naman ang kapatid ko. pero ang mga pinsan ko ay hindi ko ka-close hindi nga kami nalabas ng bahay, nasa kwarto lang naglalaro, minsan natutulog.

        Noong mag grade 1 na ako, dito na ako nag-aral sa amin. kagaya pa rin ng dati, hindi ako kinakaon sa school. noong pasukan na ay pumasok ako, may baon akong juice at cupcake. sabi ni mama kakaunin niya ako ng tanghali, iniintay ko siya e ang tagal kaya naglakad na ako. hindi ko alam ang pag-uwi sa bahay, buti na lang nakita ako ni mama, nakasakay siya sa jeep, naiyak na ng ako kasi hindi ko lam ang pauwi sa bahay. ang lapatid ko ay may sakit na epilepsy, yung natutulala at nawawala sa sarili, buti na lang daw hindi yung natulo ang dugo kasi namana daw ng kapatid ko sa pinsan ni mama sa Quezon. Noong nag-grade 2 naman ako ay hindi na ako kinakaon ni mama kasi may service na ko, nauwi na ako ng tanghali ang awasan hapon.mataray ang teacher ko si ma'am Velasco, namamalo pa yon pag minsan.

                                            classmate ko yung elementary si glen at si anthony
                                                                         ng grade 5-6
        Noong nag-grade 3 naman ako at nag-grade 4 at grade 5, meron akong naging teacher na lalaki, si Sir Leo Capili. bago sya sa school namin,mabait sya at gwapo. sya nga ang nagtuturo sa amin ng sayaw kapag sasayaw kami sa school. minsan pa nga wala ako susuotin na pang sayaw kasi hindi naman ako marunong magsuot ng palda na maiklisaka yung tube hindi naman kami pinapasuot ni mama ng ganun. simple lang na damit ang sinosoot ko. madami din nagka-crush sa akin. si glen na classmate ko noong grade 5 ay may gusto sa akin, mabait pero hindi ko gusto.wala naman sa isip ko yung crush crush sa isang lalaki, hindi naman ako nakakaramdam ng gusto sa isang lalaki. ang may gusto sa akin mula noong grade 5 ako ay si Victor, pati si Dexter yung grade 5 si angelo, lloyd, patrick, anthony, glen, niƱo noong grade 6, pero okay lang wala naman akong gusto sa kanila, mayayabang kasi sila. pero kaming mga babae ay kakaunti lang, walo lang kami. sina analyn, chalene, charissa, krisa joy, eunice, glean, rose ann, at ako. kami-kami na rin ang magkaka-barkada pero ang best friend ko ay si charissa. siya yung lagi kong kasama, lagi siyang nasa amin, lagi kaming ngalalaro. pero noong graduation namin, ang ganda ko daw kapag inaayusan kasi hindi naman ako pala ayos. hindi ako kagaya ni glean na nagamit ng make-up, lagi nga namin pinag-uusapan yung mga crush nila pero ako wala akong crush. noong graduation na ay nagmimisa na ang pari, habang tinatawagan kami isa-isa yung kantahan na ng graduation ay nag iyakan na ang mga kaklase ko pati ako napa-iyak na din, pero kahit papaano may handa naman ako.
       Yung mga bakasyong ay nasa hospital si lola ako ang nagbabantay pati yung tiyahin ko,habang tumatagal ay bumigay na si lola kaya si ate luisa ay nagiiyak ng iyak at muntik na mahimatay sa hospital pati ako ay natakot kay ate luisa ta napaihi ako sa salwal at hinda naman ako umiyak nakatingin lang ako kay lola habang si ate luisa ay nagkalupasay sa sahig.Nakaburol si lola sa kanyang anak na malalapit samen at habang nakaburol si lola kame naman ay naglalaro ng baraha ng aking mga pinsan at kapag natalo ay papahiran ng uleng sa mukha .At kinukuha namen yung mga gatas sa lemesa,at pinapapak namen.Yung nilibing na  si lola dinala muna sa simbahan ng KAELIKA at pagkatapos ay dinetrisyo na sa libingan.Meron din ako bestfriend heto sila.

                                         cyclone                               aldrin
                                          bestfriend ko


        Noong 2nd year ako may nakagusto saken si ronald nagligaw saken sinagot ko naman sya eh!!.noong nakilala ko si frank na nagkagusto din saken ang sabe kung pwede daw mangligaw saken,pero basted saken.Tapos yung nagalit sya saken pero ok lang .Atnong ng ligaw din si jemar . Yung 4th ako ay nagkagusto saken si jaypee bargados pero hind ko sya type eh!!!my mahal na kase ako .............pero may boyfriend ako si jericho pero mahal ko yata ewan!!!!heto yung classpicture namen ng 4th year.
                                                                        jericho
                                         my boyfriend





                                                       classpicture namen ng 4-I














Linggo, Marso 20, 2011

Ako si Riza Joy Vibandor at ito ang Aking Talambuhay

Ako si Riza Joy Doloso Vibandor, Isinilang noong ika-29 ng Disyembre 1994 sa bayan ng San Pablo,labing anim na taong gulang bunga ako ng mabuti at mabungang pagsasamahan ng aking ina na si Anabel Doloso Vibandor at ng aking ama na si Edgar Capuno Vibandor. Ang aking ina ay nagmula sa San Roque, Bula, Camarines Sur at ang aking ama naman ay ipinanganak dito sa Sta. Maria Magdalena San PAblo City, Laguna.

Ang aking mga magulang ay nagbunga ng tatlo anak ang panganay kong kapatid ay si Jenny May Doloso Vibandor ipinanganak noong ika-dalawampu't anim ng Pebrero labing siyam walumpu't walo at ang pangalawang kong kapatid ay si Mark Daryl Doloso Vibandor na ipinanganak noong ika-labing isa ng nobyembre labing siyam siyamnapu at ako ang ika tatlo sa magkakapatid.

Palagi kaming masaya kahit mahirap lang kami natatandaan ko pa nga noong kami'y nasa lolo ko pa sa San Roque Bula Camarines Sur sa Bicol kami'y naglalaro ng aking lolo ang saya namin noon, parati kaming nag-kukulitan pag minsan pa nga ay pinagkakatuwaan ako na bumili na ang gamit ay laruang pera o "play money" ibinibigay niya sa akin parati kaming nasa probinsiya ng aking pamilya noong akoy bata pa sapagkat dinadalaw namin ang aming lolo. Hindi nila sinasabi sa akin ngunit ang aking lolo pala ay may sakit at malubha na at dumating na nga ang pagkakataon na siya ay binawian na ng buhay pag-kalipas ng isang buwan namatay ang lolo ko noong Nobyembre 22,pagkalipas ng ilang araw umuwi na kami sa aming bayan ng matapos ilibing ang aking lolo at ng makauwi na kami ipinag patuloy ng aking mga kapatid ang kanilang pag-aaral.
picture namin matapos ang JS Prom.
Kami ay galing sa simpling pamilya hindi mayaman pero natutustusan namam ang aming munting pangangailangan sa buhay,mag kakasundo kaming mag kakapatid minsan ay nag kakatampuhan pero umiiral pa din sa amin ang diwa ng pagiging magkapatid.
Dasiplinado kaming magkakapatid tinuruan kaming rumispeto sa nakakatanda at ang tamang asal ng isang mabuting bata,at mabuting anak sa aming mga magulang.Lagi kong naaalala ang turo sa akin ng akin ina na huwag makalimot at lagi akong madadasal sa tuwing ako ay matutulog na lagi ko namang ginagawa at ng aking mga kapatid at sa tuwing sasapit ang araw ng linggo lagi kaming ng pupunta ng aming pamilya sa simbahan at pagkatapos sumimba ay nag pupunta kami sa paborito naming kainan at ito ay ang McDonalad's lagi kaming omoorder ng paburito naming spaghetti,french fries, at burger nung kami ay mga bata pa.
Picture namin ng ate ko


Ilang taon ang nakalipas at ipinasok na din ako ng aking mga magulang sa pre-school at doon ako natuto ng maraming bagay at isa na ang pag husay ko sa pagsulat ng mga titik at ang pagbasa,at ng ako ay gagradute na ay napakasaya ko at ng aking mga magulang,kapatid kamag-anak at kapit bahay namin at na iexcite na din akong pumasok ng grade 1 dahil alam kong marami akong matututunang bago pag tungtung ko sa unang baitang ng elementarya.
Grade 1,ito ang pangalawang hakbang na aking tatahakin ang lebel na humubog sa aking kaalaman kung saan lubos akong hinubog ng mga huwaran kong guro sa San Pablo Central Elementary School at noon'y lagi akong hinahatid at sinusundo ng aking mga magulang sa bahay papunta ng school at school pauwi sa bahay at bago kami umuwi ay ibibili pa ako ng miryenda ng nanay o tatay ko at ng panahong ito ay malaya akong nakakapag laro pag katapos kong sagutan o gawin ang aking mga takdang aralin at nung grade 1 akon mas marami akong nakasalamuhang tao,kamag-aaral at kaibigan.
Picture ko samin na ate ko pa ang kumuha
Naging masaya, mahirap at makabuluhan ang pag tungtong ko ng elementarya bagaman nahirapan man ako ngunit hindi ito dahilan upang makagraduate ako dahil narin sa matiyaga,maunawain at pag sisikap ko at ng aking mga magulang,kapatid at ng aking mga huwarang guro at sa araw ng aking pagtatapos ay muli kong napaligaya ang damdamin ng aking ama at ina, wala man akong naiuwing parangal ngunit ang aking pagtatapos ang masasabi kong parangal na maibibigay ko sa kanilang paghihirap at pag titiyaga.Umakya ako sa entablado kasama ng amking mga buting magulang ng taas noo at ng may pag mamalaki at alam kong isa palang ito sa mga bagay na aking tatahakin sa buhay.
Unang antas ng high school, napaka laking responsibilidad ang pag tapak ko ng high school, kung saan,paano ko muling mapagtatagumpayan ang pag sabak ko ng high ito.Noon pag graduate ko ng elementarya nag-iisip ko kung saan ako papasok at kung saan ako papasukin,gusto ko noon sanang pumasok sa pribadong paaralan ngaunit sa marami kaming dapat ikunsidara ay mas pinili kong pumasok sa paaralang humuhubog sa aking kaalaman at ito ay ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na sya ngayung pinapasukan ko.
Class picture namin ngayung 4th year
Unang araw ng pag pasok ko sa high school at, ang lahat ng bata nung araw na yun ay nakauniporme may mga bagong sapatos notebook,ballpen at kung anu-ano pa at ng pumasok na ako sa aking silid aralan ay kinakabahan ako habang naglalakad papasok ng room at nag pakilala pero sa bandang huli ay nawala na din ang bilis ng pag tibok ng aking dibdib at doon ay nakilala ko sila at naging mga kaibigan.
Sa pag pagtuntong ko ng first,second,third year high school ay marami akong naging karanasa ito ay ng matuwa,magalit,maging proud ang aming mga guro sa amin alam ko naman na part ito ng pag-aaral at pinilit kong maging mabuting mag-aaral alam kong part ito ng pag aaral ang maranasan ang hirap at matuto upang magkaroon kami ng sandata sa hinaharap.Dito natuto kong hubugin sa mabuti ang aking personalidad ang mag meron ng kompyansa sa sarili at ang pag harap ng mabuti at taas noo sa kapwa na walang halong pagmamayabang dahil dito marami akong naging kaibigan at nagtiwala sa akin.
Forth year high school, ito ang pinaka-aasam ng aking magulang ang makagraduate at makapag college, ngaung 4th year high school ako ang pinka exciting na part ng school day ko sa high school kasi maraming nag sasabi na ito daw ung stage na mamimiss mo kapag pag-aral ang pag uusapan siguro totoo nga,ngayong nagpapraktis na kami sa darating na graduation at nag papasalamat ako sa lahat ng guro ko at sa lahat ng naniwala, sumuporta sa akin alam kong marami pa akong pag dadaanan sa buhay pero kahit papano ay may panghahawakan na ako at ito ang masaya,malungkot at makulay na aking talambuhay.
Larawan namin noong JS Prom.
Ngayun ding 4th year ako ay maraming activities ang hindi malilimutang nasamahan ko,tulad nalang nung JS namin na napagalaman ko na mas masaya kaysa dun sa nakalipas kong JS.Nakasama ko ang aking malalapit na kaibigan sa isang napakasayang okasyon na minsan mo lang mararanasan sa iyong buhay high school.Kung alam ko lang na ganun pala kasaya sa bawat activities ng aming eskwelahan ay lagi na sana akong sumasama rito.Ay naku nakakapang hinayang talaga.Madami akong naaksayang panahon na dapat ay kasama ko ang aking mga mahal sa buhay.Nag sisisi ako sa lahat ng mga pag kakamali ko,kung di dahil dun ay edi sana ay mas kaclose ko pa ang aking mga kaklase.uhmm

Biyernes, Pebrero 25, 2011

Ang karanasan ni Angelo

December 9, 1994 sa Angono Rizal isinilang ako ng aking mahal na ina na si Emma Mojica at nakabantay sa kanya si papa (Nilo Mojica) habang ako ay na sa ospital ang dalawang kong panganay na kapatid na sina Nelson at Reiner Mojica ay nasa bahay kasama ang aming tiyuhin na si Tiyo Herman, binabantayan sila. at ako ang bunso, paglabas ko ng ospital marami daw nangyari sa akin tulad ng pagkalalag ko sa kama hinanap ako ng aking mga magulang makita nila ako sa ilalim ng kama tulog na tulog ako, wala pa akong isang taong ay lumipat kami, sa San Pablo. dahil sa mahal ang pag renta sa bahay dun kami nakatuloy sa amin lola sa makanteng kwarto sa itaas, hanggang sa magkaisip ako. sa edad kong pitong taong gulang nagkaroon ako ng mga kaibigan sina Abet,Erlo kami tatlo ang magkakasama sa kalokohan,kaming dalawa ni abet ay nanghihiram ng bisekleta kay Erlo angkas ako sa likod pupunta kami sa Teomora at mag papahabol sa aso si Erlo naman ay nanonood ng TV sa kanila, paghapon ng pupunta kami salibingan magtataguan kami at maghahabulan inaabot kami ng gabi doon. paguwi papagalitan kaming tatlo ng aming mga magulang at paglilinisin ako ng katawan at kakain na ako, sabay labas ako at ang mga kaibigan ko at madami, din mga tao sa labas ganun lang lagi nung ako'y bata pa sa.

Pagtutung ko ng Elemrtary mas dumami ang naging kaibigan ko Alas siete sakto ay na dun na ako sa paaralan nagiintay ng mga kaklase at Teacher magsisimula ang teacher namin sa pagkukwento Tungkol sa mga langgam at tipaklong karamihan sa mga kakklase ko ang yinatamad at inaantok, pagsumigaw ang teacher namin ay gising na gising kami at natapos ko na ang unang baitang pupunta na naman ako sa ikalawang baitang lalo pang dumami ang naging kaibigin dahil marami ang bumagsak ng grade two sa amin paaralan. Nagpunta kami salikod ng aming paaralan upang humuli ng gagamba, ganun din ang ginawa ko nung naging grade 3 ako at pagsapit ng grade 4 dun na uso ang crush dahil nagkaroon ng pagiisip tungkol sa pag-ibig at sa Grade 4 nakita ko ang aking first love at pagtung-tong ko sa Grade 5 napunta kami sa likod ng classroom dun kami nag lalaro ng kara at textcoin muntik na ako mahuli ng principal namin kaso nakatakbo ako na parang palos, mabuti na lang at nakapasa ako sa Grade 5, ng maging Grade 6 ako nag tino kami magkakaklase dahil gusto namin lahat na maka graduate, at nung araw ng graduation marami sa aming batch ang nakapasa at madami ang mga nag iyakan na magulang at estudyante isa na ako roon.

Nung ako ay naging High school kinabaduhan ako dahil wala akong kilala at nung nakita ko yun dati kong kakklase ay nagsama kami para di kami ma bouirng, nagkamustahan kami at ilang linggo ay nagkaroon na ako ng mga katropa sa school lagi kami nakatambay sa Lake at nagkukwentuhan at nagsasalawan, tuwang tuwa kami pag walang teacher sa last subject dahil maaga kaming uuwi, at ng naging second year ako ay naging late enrolless ako dahil para ayaw ko pang pumaskok nung nakita ko ang magiging kaklase ko ay parang ginanahan ako, napunta kami sa computer shop para maglaro, tuwing vacant lang namin kami ay nagbabike sa Lake nang isang ikot nagbabanggaan kami ng bike muntik pa nga ako malaglag sa lawa buti na lang nakabalance ako, dumating kami sa 3rd year na dun parin ang mga datihan kong kakalase parang bang walang kaming iwanan napunta parin kami sa Lake para maglaro ng basketball at manood ng mga nanghuhuli ng isda sa lawa dahil tuwang tuwa yung isa kong kaibigan, at tambay sa hagdan sa Lake ang gawain nung 3rd year at kasalukuyan ang libangan namin mag kakalase ang magbilyar sa may crossover tuwing vacant namin at pag-uwi ko tatambay ako sa tindahan nina Na Rose at maglaro ng baraha ng aking mga kabarkada at tuwing may okasyon sama-sama kami magkakabarkada nagiinon hindi naman kami nanggugulo nilalagay namin sa tiyan ang alak hindi sa utak. at tuwing bakasyong kaming magkakabarkada ay nag swimming kung saan-saan minsan sa ilog minsan sa resort na malapit sa amin may dala na kaming pagkain para maghapon kami sa swimming, nagpapadala kami sa agos ng ilog sakay sa pinutol na puno ng saging at nagpapatong din kami para makagawa ng isa pyramid laging akong nasa taas tuktuk dahil ako ang pinakamagaan sywmpre di mawawala ang habulan sa tubig may napuntahan kami isang ilog na mag kweba sa dulo pinasok namin yung kahit madilim isang flashlight lang ang dala namin ngunit maliwanag at masaya kami kapit-kapit kami may pinasukan kami na maliit na butas isang tao lang ang kasya kaya isa-isa lang kaming pumasok sa loob ang nilabasan namin yung itaas na kweba may mga bahay doon at maraming hayop tulad ng kabayo, kambing at iba pa.Mabait ang mga tao doon nakangiti sila pagnadaan kami kahit kami ay dayo lang pagbaba namin sa taas ng kweba pabalik sa cottage ay nadulas ako mabuti walang nangyari masama sa akin kaya inalalayan na ako ng mga tropa ko pagkababa namin bumili yung isang kong kaibigan ng alak at pulutan kaya naginuman kami. yung isa kasama namin nau nadulas sa kalasingan na pahiga sa tubig kaya itinaas na namin sa dyip namin na arkela pagkataas nammin sa kaibigan namin ay balik ulit kami sa inuman tawanan kantahan dahil may dalang gitara si junel kaya ang saya namin magkakaibigan at nagsiuwian na kami puro pagod sa swimming ngunit masaya at nakatulog ang lahat nang makauwi kami ng kinaumagahan alas nueve ng maga ay naglaro kami ng basketball pustahan parang practice din namin dahil sa hapon may laro kami sa liga ng aming baragay natalo kami malungkot ayos lang pagkatapos maglaro diretso sa tindahan nina Rose para makiinun ng tubig na malamig nadun na pala yung kapatid ko galing pasig dahil tinawagan namin itong kapatid para limakas ang aming Team nag pahinga kami s aloob ng tindahan dahil kaclose naman namin si na Rose para bang pangalawa namin bahay yung tindahan. nakita naman yung isang tropa namin na nililigawan yung anak ni na Rose ang pangalan ng anak ni na Rose ay Vina maputi at maganda. kami naman iba magkakaibigan ay niloloko namin si na Rose parang bang bunubaola namin para maglabas ng isang malaking Pop cola ngunit di paring kami binigyan tumahimik bigla nang dumating ang asawa ni na Rose kasi lahat kami ay nahihiya ngunit ayos lang sa asawa ni na Rose na tumambay doon kase tanghali kaya umuwi na kami para kumain ng tanghalian. at pagkatapos kumain bigla na langnagdatingan ang aking mga kabarkada sa amin bahay tambay kami s aharapan sa may mangga naggawa kasi kami ng upuan doon na kahoy ngunit hindi kami kasya kaya ang iba ay nakatayo unahan lang para makaupo may napadaan sa aming harapan si na Ningning sabi s aamen na sumama sakanya, yung pala ay pinagagawa kami ng court para daw may paglibangan kami tuwing tanghali kaya gumawa kammi ngunit di ito natapos agad kase kailangan na namin magbihis dahil may laro pa kami sa wholecourt sa aming barangay ang pangalan ng aming team ay Cuervo dahil ayan ang gustong lahat ng tropa ko nanalo kami sa laro iyun ang pinakamaraming naishoot ang aking kapatid kawa tuwang tuwa kami dahil pumasok kami sa final, ngunit nung naglaro kami sa final nung una ay panalo kami ngunit nung pangalawa ay talo kami at pangatlo ay talo kaya di kami nag champion kaya nalungkot kami ngunit maasigla parin ang lahat nang makatanggap ang dalawa namin player sa Mytical 5 kaya nag inuman na lang kami. Pagkagising ay naningil kami sa mga bahay para sa Sta Cruzan sa amin street kaya nagpunta na kami sa palengke para bumili ng handa. dito namin itinuon ang isip namin para gumanda ang aming pamamalakad sa nasabing programa pagkauwi namin sa palengke ay may ginagawa kami sa aming kubol para gumanda ang nilalagyan namin ng bulaklak na bimili namin pagkatapos ay magluluto kami ng handa at ibabalot ito sa plastic para makitikim ang lahat ng mga batang sasama sa libot at pag patak ng alas seite ng gabi ay papipilahin ang mga batang sasama sa libot at bibigayan sila ng isang kandila at hahanap kamim ng dalawang bata na magbubuhat ng krus at iikot na kami sa buong barangay namin at pagnakarating na ang mga batang nagsilibot ay magdadasal naman ang mga babaeng member sa stacrusan at mamimigay na kami ng handa sa mga bata kita naman ang katuwaanng mga bata sa handa namin lalo na kaming naging busy nang malapit na ang tapusan naghanap kami ng nga babaeng mag sasagala at mga isponsor sa mga palaro tulad ng agaw buko at bring me at dumating na nga yung tapusan masaya ang lahat matanda man o bata dahil ang dami namin gimik at nang maghapon na dumating na ang mga Reyna at ang Escort nang makumpleto na ang mga ito at nakapila na ang mga bata ay lumakad na kami patungo sa may stoplight at bumalik na kami sa may kubol at nagdasal ang lahat at pagkatapos ay nagbigay na ng handa para sa mga bata at Reyna at Escort at nag palaro kame ng pagwapuhan ang nanalo ay bibigyan ng papremyo at sinuwerte ang batang si Adrian Cortez at inabot ng gabi at doon na tapos ang programa namin napuyat ako dahil binantayan namin ang videoke at ang mga ginamit sa kubol at ang poon. At dito natatapos ang magandang kasaysayan ng aking buhay.

Sabado, Pebrero 19, 2011

my life...

Ang Aking Talambuhay

Ako ay si Reynold L. De Chavez nakatira sa Guadalupe 1, barangay2-b, San Pablo City,
ang pangalan ng aking Ama at Ina ay sina Reynaldo De Chavez, at si Lyn De Chavez. meron akong  tatlong kapataid, isang lalaki at dalwang babae at sila ay sina Rayven De Chavez, siya ang pangatlo sa mag kakapatid sa amin Aubrey De Chavez, siya nmn ang bunso Ashley De Chavez siya nmn ang panganay. Si Ryven ay nag-aaral sa col.Lauro D Dizon Memorial National High Skul,at siAubrey De Chavez nmn ay kinder sa ambray elementary school at si ate ashley ay nag tatrabahu na sa IBIDEN companay.

Nang ako ay isang taong gulang ang alam ko lang ay gumapang at dumede kay inay. Ng akoy mag pitong taong gulang na ay pinag aral na ako ng aking ina sa ambray unang baytang medyu hindu ko pa makaya nun, kasi d pa ako masyadu marunong bumasa tanda ko pa nung paluin ako ng guro habng nkatayu ako at bumabasa umiiyak pa ako nun, at sa sobrang hiya ko nun huminto muna ako sa pag-aaral. napalo pa ako ng nanay ko at tiyuhin ko..    pagkatapos nun ay sa bahay nalang ako at wla na ako ginawa kundi mag laro at mag kalat sa bahay palo nanaman ang aking abot kay inay pag uwi ng bahay. si inay ay isang house keeper gabi n siya na kakauwi kaya pag dating niya andyan na ang sinturon nkahanda para paluiin ako at ang aking kaptid. 

naranasan kong umabay sa pinsan ko pitong taon ako nun.. kabadung kabadu pa ako... d ko kasi alam gagawin ko pero mabait yung nasa likodan ko kaya yun.... nawala kabadu ko..







makalipas ang ilang panahon nag set ng bonding mga relatives ko at nag swimming kami sa calamba sa hot spring sarap ng kasama ang buong pamilya......... 

matapus noon pinag patuloy ko ang pag pasok ko sa ambray hanggang sa maging grade six na ako dun.. at gagradwayt na ako, nasa isip ko nga nun na gustong gusto ko nang  mag high school.
nung maka gradwayt n aq ng grade six nag enrolled ka agad ako sa dizon high at naging 1-g ako adviser ko si Mrs.Lyn R. Yu mas marami akong naging kaybigan doon,, at pasok lang ako ng pasok at nkapasa ako at naging 2nd year high school ako at naranasa ko yung mahirapan sa school dun sa mga bagsak na subjects natakot ako nun na baka nd ako makapasa pero nayus nmn kinausap ko lang ang aking teachers ngunit may isa akong nibagsak math-2 kay mr.ang nagtaka ako nun kung bakit ako bumagsak kasi pinag gawa ako niya ng project pero nabliwala lang bagsak din, pero binak subject ko sya ngayun at medyo ayus na. nakarating na ako ng  4th year high school.. at nung mag 4th year high school n nga ako matagpuan ko ang aking mga tunay na kaibigan na kung may problema ka bagay adyan sila para tumulong.sana lahat kami mag tapus ng high school at di lng sa high maging sa pag tungtong namin sa kolehiyo. 
Nagawang kong maintindihan yung mga nagawa kung kabataan ko pa. marahil noon ay hindi ko pa alam ang aking mga pinaggagagawa kasi nga bata pa ako pero ngayun alam ko na ang lahat..