Ang aking mga magulang ay nagbunga ng tatlo anak ang panganay kong kapatid ay si Jenny May Doloso Vibandor ipinanganak noong ika-dalawampu't anim ng Pebrero labing siyam walumpu't walo at ang pangalawang kong kapatid ay si Mark Daryl Doloso Vibandor na ipinanganak noong ika-labing isa ng nobyembre labing siyam siyamnapu at ako ang ika tatlo sa magkakapatid.
Palagi kaming masaya kahit mahirap lang kami natatandaan ko pa nga noong kami'y nasa lolo ko pa sa San Roque Bula Camarines Sur sa Bicol kami'y naglalaro ng aking lolo ang saya namin noon, parati kaming nag-kukulitan pag minsan pa nga ay pinagkakatuwaan ako na bumili na ang gamit ay laruang pera o "play money" ibinibigay niya sa akin parati kaming nasa probinsiya ng aking pamilya noong akoy bata pa sapagkat dinadalaw namin ang aming lolo. Hindi nila sinasabi sa akin ngunit ang aking lolo pala ay may sakit at malubha na at dumating na nga ang pagkakataon na siya ay binawian na ng buhay pag-kalipas ng isang buwan namatay ang lolo ko noong Nobyembre 22,pagkalipas ng ilang araw umuwi na kami sa aming bayan ng matapos ilibing ang aking lolo at ng makauwi na kami ipinag patuloy ng aking mga kapatid ang kanilang pag-aaral.
![]() |
picture namin matapos ang JS Prom. |
Dasiplinado kaming magkakapatid tinuruan kaming rumispeto sa nakakatanda at ang tamang asal ng isang mabuting bata,at mabuting anak sa aming mga magulang.Lagi kong naaalala ang turo sa akin ng akin ina na huwag makalimot at lagi akong madadasal sa tuwing ako ay matutulog na lagi ko namang ginagawa at ng aking mga kapatid at sa tuwing sasapit ang araw ng linggo lagi kaming ng pupunta ng aming pamilya sa simbahan at pagkatapos sumimba ay nag pupunta kami sa paborito naming kainan at ito ay ang McDonalad's lagi kaming omoorder ng paburito naming spaghetti,french fries, at burger nung kami ay mga bata pa.
![]() |
Picture namin ng ate ko |
Ilang taon ang nakalipas at ipinasok na din ako ng aking mga magulang sa pre-school at doon ako natuto ng maraming bagay at isa na ang pag husay ko sa pagsulat ng mga titik at ang pagbasa,at ng ako ay gagradute na ay napakasaya ko at ng aking mga magulang,kapatid kamag-anak at kapit bahay namin at na iexcite na din akong pumasok ng grade 1 dahil alam kong marami akong matututunang bago pag tungtung ko sa unang baitang ng elementarya.
Grade 1,ito ang pangalawang hakbang na aking tatahakin ang lebel na humubog sa aking kaalaman kung saan lubos akong hinubog ng mga huwaran kong guro sa San Pablo Central Elementary School at noon'y lagi akong hinahatid at sinusundo ng aking mga magulang sa bahay papunta ng school at school pauwi sa bahay at bago kami umuwi ay ibibili pa ako ng miryenda ng nanay o tatay ko at ng panahong ito ay malaya akong nakakapag laro pag katapos kong sagutan o gawin ang aking mga takdang aralin at nung grade 1 akon mas marami akong nakasalamuhang tao,kamag-aaral at kaibigan.
![]() |
Picture ko samin na ate ko pa ang kumuha |
Unang antas ng high school, napaka laking responsibilidad ang pag tapak ko ng high school, kung saan,paano ko muling mapagtatagumpayan ang pag sabak ko ng high ito.Noon pag graduate ko ng elementarya nag-iisip ko kung saan ako papasok at kung saan ako papasukin,gusto ko noon sanang pumasok sa pribadong paaralan ngaunit sa marami kaming dapat ikunsidara ay mas pinili kong pumasok sa paaralang humuhubog sa aking kaalaman at ito ay ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na sya ngayung pinapasukan ko.
![]() |
Class picture namin ngayung 4th year |
Sa pag pagtuntong ko ng first,second,third year high school ay marami akong naging karanasa ito ay ng matuwa,magalit,maging proud ang aming mga guro sa amin alam ko naman na part ito ng pag-aaral at pinilit kong maging mabuting mag-aaral alam kong part ito ng pag aaral ang maranasan ang hirap at matuto upang magkaroon kami ng sandata sa hinaharap.Dito natuto kong hubugin sa mabuti ang aking personalidad ang mag meron ng kompyansa sa sarili at ang pag harap ng mabuti at taas noo sa kapwa na walang halong pagmamayabang dahil dito marami akong naging kaibigan at nagtiwala sa akin.
Forth year high school, ito ang pinaka-aasam ng aking magulang ang makagraduate at makapag college, ngaung 4th year high school ako ang pinka exciting na part ng school day ko sa high school kasi maraming nag sasabi na ito daw ung stage na mamimiss mo kapag pag-aral ang pag uusapan siguro totoo nga,ngayong nagpapraktis na kami sa darating na graduation at nag papasalamat ako sa lahat ng guro ko at sa lahat ng naniwala, sumuporta sa akin alam kong marami pa akong pag dadaanan sa buhay pero kahit papano ay may panghahawakan na ako at ito ang masaya,malungkot at makulay na aking talambuhay.
![]() |
Larawan namin noong JS Prom. |
LOL haha
TumugonBurahin